Sunday, June 17, 2012

war of attrition

kaya ka nananalo sa ating dalawa kasi mas makulit ka sa akin. makulit ako noong bata pa ako pero mas masugid ka.

mas obstinate ka rin. more stubborn. gusto mo talaga ikaw ang masunod.

kapag magkikita tayo, gusto mo schedule mo ang masunod. at dahil sobra kang pushy at bossy, ikaw nga ang nasusunod.

at ako naman ay isang uto-uto, nagpapadala sa iyo. wala akong kusang loob o lakas para pumalag o humindi.

sa kapal nga ng apog mo, sabi mo sa akin kanina nang maghihiwalay na tayo, "ma-mi-miss mo ako." yan pa naman ang pinaka ayaw kong aminin sa iyo kasi nga alam kong lalaki lang ng kusa ang ulo mo.

pero nang nalaman kong kasama mo ang mga chikababes mo ilang oras pa lang ang nakalipas noong huli nating pagsasama, something in me just snapped.

i could miss you, sure. i could need you and want you, sure. so much that it hurts.

but if i know na ginagago ako, ginagawa akong sucker, screw it. you can go and fuck yourself. i don't want any part of you.

nothing. so stay away from me. i mean that. stay the fuck away from me. you are nothing but bad for me. bad, fucking news.

stay out of my life.

1 comment:

Anonymous said...

Nadia, bakit di mo muna siguraduhin kung chikababes niya nga yon, malay mo naman kamag-anak lang.

Sabi nga ng Brownman Revival,
Marami ang namamatay sa maling akala

Chill ka lang, Nadia Cole.
Mahal ka non nakatitiyak ako, tulad ng pagkatiyak ko na mahirap ang accounting :)

<3