Monday, June 11, 2012

talo ka sa lolo ko

alam mo iyong kasabihan na iyon? kapag nagpapataasan ng ihi ang mga tambay sa kanto, don lalabas lahat ng mythology of one's achievements, hindi ba?

yung tatay ko ang gumawa ng RCBC tower noong 90s!

wala yan sa tiyuhin ko! siya ang nakapag isip na gawing pambansang kamao si pacman bago pa siya nanalo ng una niyang titulo!

sus! yun lang? e yung lolo ko, nang dahil sa kanya, naging presidente si macoy!

--------

anong sasabihin ko tungkol sa lolo ko ngayon? e hindi ba parang lola mo lang ako ngayon? e di ako na lang ang i-q-quote mo?

may saysay ba itong sinulat ko? siyempre wala. mahal lang kita.

talo ka sa lolo ko, na hindi ko man lang kilala, pero minahal din.

pero ikaw, dala-dala kita habang-buhay sa puso ko. pex man.

2 comments:

Anonymous said...

Talo ako sa lolo mo Nadia, pero hindi kita LOLOkohin :)

nadiacole said...

do you even come back to read my replies, stranger?

because you make me smile, oh, you so do. :)