Sunday, June 10, 2012

bakit ngayon ka lang?

hindi mo kailangang sagutin 'yan.

siguro ang sapat na katanungan diyan ay, bakit sigurado kang may tayo?

kung hindi nga ako maglilimos ng pag-ibig sa iyo kahit kailan, hanggang kailan kita kayang mahalin?

inaantay ko na lang na magsawa ka at iwanan ako. at kung hindi man mangyari iyon, kusa lang tayong maghihiwalay. mauuna akong mamatay. sigurado ako doon.

bakit ka sigurado sa akin? pag may sagot iyong tanong kong iyan, siguro doon lang kita mauunawaan.

3 comments:

Anonymous said...

Baka naman binigay na niya buong sarili niya sayo, kaya sigurado na.

Anonymous said...

Natraffic lang siya sure ako, kaya ngayon lang siya.

nadiacole said...

sus baka hindi marunong sumakay ng dyip, naka brip lang.