Tuesday, October 19, 2004

Dina-Edu-Vilma

Diba ako'y tao lang na nadadarang at natutukso rin? Ganyan ang tanong ng isang katulad ko. Parati napapa isang tabi. Hindi naririnig. Minsan boses ko lang ang nadidinig ko all day long. At madalas napapaniwala na ako sa sinasabi niya. "Wala kang kwenta. Puta ka. Ang cheap cheap mo." Ganon na lang parati.

Parang mababaliw na ako nito. Ang hirap ng ganito. Ano nga ba tawag sa mga tulad ko? Ah, oo, yung Kept Woman. Kelangan ko lang ng outlet ba. Para kahit papano, kapag naisulat ko na ang mga fellings ko (nothing more than fellings), kapag nababasa ko na siya sa harap ko, parang hindi na ako yon. O diba kaya'y mas makikita ko kung ano na 'tong nangyayari sa akin?

Tananan. Heto na. Hariba!

No comments: