Tuesday, October 26, 2004

dido

sabi sa isang sineng disney na napanood ko, ilang taon nang nakaraan, "the flower that blooms in adversity is the rarest kind of all." kung malampasan ko itong yugto sa buhay ko, would i be rare? seems not. may nag-email sa akin na isang reader na meron akong tulad na blog dito sa blogspot. sya daw ay si ms. mistress. binasa ko at napaisip. we're not as unique as movies and friends' stories would have us believe.

we're everywhere. aba, doon lamang sa sermon ng aming pari nung linggo, nabanggit niya na ang mga pariseo ay parang mga 'adulterers', mga taong may ibang relasyon. don sa kabilang blog, sabi niya, whore daw siya. home-wrecker. isa daw siyang MBA student in her 20s na sa ngayon, hindi pa makaalis sa sitwasyon niya sa buhay. not now, daw, pero for sure, later.

i don't know if i even think that far. like i blogged yesterday, i don't even think that way. if you've ever seen the way a laser pointer shakes across the words of a corporate presentation (what does it matter to those executives who will spend a fraction of their fat sweldo on high tech eye treatments anyway, diba), well, then you've seen how my life appears to my mind's eye. parang gamo-gamo. naaalala ko na naman yung los banos days ko. without trying, you could walk through the night lit by a thousand fireflies. kumikindat na yosi points, mga naghahabulan sa dilim. e hindi ba ganon lang naman kami? kami na nasa dilim, pero kasing dami ng gamo-gamo sa bukid. kung pag-usapan ang kalagayan namin, pariah talaga kami. pero nakiki-kami lang ako kasi no matter how i cut it, well, i'm simply only someone's girl. nagkataon lang na may asawa si AM.

would he have gone for me kung wala siyang asawa? who knows, diba? pure conjecture lahat yan. hypothetical, ika nga. kaya nga although ang buhay namin ay nace-celebrate sa literature ng mga makatha, i see it as come-when-they-come type of thing. hindi ko 'to hiningi, ni hindi ko inasam. basta na lang siya dumarating sa isang tao, at kung gagawan ko pa ng drama, parang gasgas na masyado. siguro isa sa mga paborito kong 'kabit' poems ay yung 'soledad'.

pero minsan, kapag pinapatugtog ko ang tinatawag kong 'kabit' music ko, iyong mga awit ni dido, para akong lumulutang sa isang mundong sumisiksik sa kanto ng kisame. sabi nga niya, "i'm no angel." hindi ko rin yon ever naging claim. kahit nagkaron ako ng 'normal' na syota, yon pa rin sasabihin ko. kung awitin ko naman, "i just want to feel safe in my own skin. i just want to be happy again. i'm so lonely i don't even want to be with myself anymore." e parang nakita mo na ang nararamdaman ko kapag nakikita kong natutulog ng mahimbing si AM sa tabi ko. this is usually in the wee, small hours of the morning, na may ilang oras na ring nakaraan pagkatapos ng pagkatalik namin. nalilibogan ako kapag nariyan siya sa harap ko, galing sa kanyang hotshot corporate job, and i just think, "pucha, executive ka sa akin kapag mapasaludo mo ako sa heneral mo." and that can only happen kapag hubo't hubad na kami at nagkakadigmaan na. it drives me nuts to know that this guy, respected by his colleagues, his secretaries, his subordinates, well, he's just another horny guy nosing around in my cunt. so when we're done, i know that the next few hours will bring the morning closer and he'll take that shower to take away our love smells, and then he'll walk into his antiseptic world (what do i know? baka nalilibogan din naman ang mga babae sa kanya doon diba).

blunt? well, hell, yeah. ano pa bang meron ako kundi yon?

2 comments:

Anonymous said...

cunt, rhymes with blunt... you have one, not many people confront the inner evils in a context of the written word or in simple expression of carnal desire. Sino pa ba ang saint these days?

Svelte Rogue said...

uplb yan ano? i think i know the tree you're referring to! :)